Karamihan sa mga estudyanteng nakatungtong na sa sekondarya ay hindi pa rin marunong umunawa o sumulat ng isang maayos na talata. Dahilan ba ang mahirap na kurikulum, o sadyang hindi sapat ang mga pamamaraang ginagamit upang matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto?
Ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), 12.58% lamang ng mga mag-aaral ang itinuturing na independent at proficient readers, samantalang malaking bahagi ng mga mag-aaral ang nahihirapang umunawa kahit simpleng pangungusap. Sa ganitong kalagayan, malinaw na hindi lamang grado ang nakataya, kundi ang pundasyon ng edukasyon mismo.
Kaya naman mahalaga ang ARAL Program bilang tugon sa learning gaps na nararanasan ng mga mag-aaral. Subalit, hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng programa. Kailangang tiyaking ang mga pamamaraan na angkop sa tunay na pangangailangan ng bawat mag-aaral. Hindil pare-pareho ang bilis at paraan ng pagkatuto ng mga bata, kaya hindi rin dapat iisa ang paraan ng pagtuturo sa kanila.
Ang isang mag-aaral na nahihirapang magbasa ngayon ay hindi tinutuding na mahina. maaaring kulang lamang siya sa gabay, oras, at pamamaraang angkop sa kaniyang kakayahan. Sa halip na hayaang lumaki ang learning gap, nararapat lamang ang ARAL Program. dapat itong maging hakbang upang matulungan ang mga mag-aaral na muling makahabol, matutong magbasa—at higit sa lahat, matutong umunawa Sapagkat ang lamang na maagapan ito habang maaga pa. hindi dapat maging simpleng programa edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagtatapos ng baitang, kundi ang kakayahang umunawa ng isang mag-aaral sa kaniyang binabasa. Dahil kung hindi kaya ng isang estudyante ang umunawa sa kanyang binabasa, paano niya mauunawaan ang mundong kaniyang ginagalawan?
