THE CONVERSATION

Sa patuloy na agos ng rumaragasang tubig sa pagitan ng Nepal at China, maraming tao ang nagsikap na umahon upang maisalba ang kanilang buhay. Ngunit kahit harapin man nila ang puwersa ng kalikasan, hanggang saan ang kanilang kayang lumaban kung tuluyan ng tangayin ng rumaragasanv tubig ang kanilang pinanghahawakan?

Mahigit 1,300 katao ang nasawi, habang libo-libo naman ang hindi pa natatagpuan ng mga rescuers. Sa likod ng bawat bilang ay mga pangalang patuloy na hinahanap, mga pamilyang naghihintay, at mga buhay na biglang nawala sa gitna ng rumaragasang sakuna.

Ang sakunang ito ay nagsimula sa pagguho ng isang glacier, na nagdulot ng sunod-sunod na pangyayari. Nang bumagsak ang malaking tipak ng yelo sa lambak ng ilog, napakalaking dami ng tubig, yelo, putik, at mga bato ang naitulak nito papasok sa ilog. Dahil dito, nabuo ang isang malakas at napakabilis na agos na rumagasa pababa, bitbit ang mga malalaking bato, at mga puno. Sa gitna ng pagkawasak, hindi pa rin tumigil ang paghahanap. Ayon kay Col Jhabindra Reshmi ng Nepal Army “rescue efforts continue, and that mud and rocks are making entering the tunnels more difficult”

Sa bawat paghukay at bawat hakbang patungo sa kailaliman ng mga tunnel, hindi lamang mga labi ng isang sakuna ang kanilang hinahanap, kundi mga buhay na maaaring naghihintay pa rin na mailigtas. Dahil para sa mga pamilyang patuloy na umaasa, ang paghihintay ay hindi nagtatapos hangga’t wala pang natatagpuang sagot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *