Sa kasalukuyan, patuloy na kumakalat ang shooting issues sa mga paaralan. Dahilan ng pagsusuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa posibleng pagbabawal ng mga online games sa bansa. Ngunit bakit mas nakatuon ang pag-aaral sa pagban sa bansa ng online games at hindi sa kung paano nakakuha ang mga estudyante sa ginamit na armas?
Hindi ba’t mas mainam na patibayin ang seguridad at proteksyon ng bansa kaysa pag-aralan ang pag ban ng online games na sinasabing may kaugnayan sa dark web? Sapagkat, walang estudyante ang makakahawak ng armas kung ang matibay ang pangangalaga ng sistema sa kaligtasan ng mga tao. Dahil walang makabuluhang rason ang pagbawal ng online games kung may kaalaman ang mga estudyante sa pagkuha ng mga armas na banta sa kaligtasan ng paaralan.
Mas natuturing na matatag ang kanilang pag-aaral kung mas nakatuon ito sa kaligtasan at pagpapatibay ng proteksyon sa bansa, hindi sa pagtuon sa bagay na walang kaugnayan sa kilos o pamumuhay ng isang estudyante.
