Isinusulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbabawal ng ‘Roblox’ sa buong bansa kasunod ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) na ikinasawi ng dalawang estudyante at iba pang sugatan.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, sinusuri ng mga imbistegador ang mga posibleng impluwensya ng online games sa ika-8 na baitang na estudyante na pinaghihinalaang nagsagawa ng atake.
Ipinahayag din ni Remulla ang pag-aalala sa mapanganib na online games content at umanoy may ugnayan sa dark web.
