Labing-anim na silid-aralan ang pinasok ng baha sa Annex Campus ng Mandaue City Comprehensive National High School (MCCNHS) matapos ang malakas na ulan noong ika-30 ng Hulyo.
Ilang mimuto lamang ang lumipas bago tuluyang pumasok ang baha sa mga silid-aralan.
Ayon sa mga opisyal ng paaralan, itinuturing nila itong isa sa pinakamatinding pagbaha sa Annex Campus sa nakalipas na dalawang taon.
Pinatay muna ang mga kuryente sa gusaling apektado ng baha para maiwasan ang aksidente. Umabot din ang baha sa mga opisina ng administrasyon, kaya inilipat ng mga staff ang mga mahahalagang dokumento sa mas ligtas na lugar.
Sinabi ni Assistant Principal Abundio Benitez na mahirap pa ring ayusin ang problema sa pagbaha dahil sa kakulangan ng budget. “We cannot change abruptly, dili nato mapatuman because we lack financial resources,” ani ni Benitez.
